It’s Patty Time! – An interview with Patty Arro

August 25, 2018 718 No Comments

image

Si Patty Arro ang isa sa pinamatagal nang monologista ng Ampalaya Monologues. Sa una, kapag hindi mo siya lubusang kilala ay aakalain mong siya’y masungit, lalo na’t karamihan sa mga monologong naibibigay sa kaniya ay iyong mga seryoso at tungkol sa mga babaeng palaban. Ngunit sa kabila ng kaniyang persona sa entablado ay isang masayahin at maalagang leader, kaibigan at Ate sa kaniyang mga kasamahan. Kilalanin natin si Patty Arro sa kaniyang unang interview para sa Team Ampalaya Features.

Paano ka nagsimula sa pagtatanghal?

Nagsimula ako sa University Theatre namin na Dulaang Perpetual. Nalaman ko kasi na nagbibigay yung Performing Arts Group ng scholarship, yun talaga ang habol ko that time kasi tatlo na kami ng mga ate ko sa college kaya malaking tulong yung scholarship sa amin. I was so fortunate to be mentored by Sir JK Anicoche of Sipat Lawin Ensemble. Sobra kasi ung paggalang ng mga kasama ko noon sa kanya kaya di ko pa man din siya nakikita, parang na-set na ang utak ko na sobrang galing siguro nila at saka down -to-earth. Hanggang sa nagkita na nga kami at nagpa-workshop si Sir JK, sobrang namangha ako sa pagtrato niya sa teatro at sobrang kinokonekta talaga sa buhay. Dun ako unang naka-relate, dun ako unang namulat, dun ko unang minahal at sinabuhay ang sining.

Bukod sa pagiging monologista ng Ampalaya Monologues ano pa ang iba mong pinagkakaabalahan?

I was given a chance to be the Head of Training & Development. Gustung-gusto ko kasi talagang nagtuturo, nagdi-discuss, and of course to learn from others. Ako kasi personally gusto ko natututo lagi kaya gusto ko din sana ganun mangyari sa mga kasama ko, maging better lagi. Speaking of learning and teaching, meron din kaming project na ang tawag ay A Better Bookas kung saan ang nakikitang mga programa ay pamimigay ng mga libro, storytelling at pagtuturo sa mga bata. Ang lapit-lapit ng puso ko para sa mga bata lalo na yung mga unfortunate kasi nakakaawa, pero pwede natin silang turuan lumaban sa buhay, mag-aral nang mabuti para umunlad. Hindi naman kasi nila kasalanan na pinanganak silang unfortunate pero I would want them to think na merong better life ahead at kaya nila yung ma-achieve through education.

May ginawang event kung saan ay itinanghal ang ilang mga Ampalaya Monologues para makalikom ng pera para sa ama mo, kumusta na siya ngayon?

I stopped performing for a while because my father got sick, na-stroke siya. That was the time na kinailangang full-force ang family effort and spirit namin kaya nagfocus ako dun. Yun na rin siguro ang pinaka-down moment ko so I asked help from my Ampalaya Monologues family and theater friends. They came up with the idea of producing a fundraising event and performing Ampalaya Monologues pieces. Sobrang laking tulong nun, hindi ko nga alam paano babayaran ang utang na loob, haha. Ngayon, slow and progress ni Papa, pero at least nagpo-progress. We need to have a shifting schedule kasi ayaw namin na ibang tao mag-aalaga sa kanya, and I believe na malaking tulong kapag ang alaga ay may pagmamahal.

Kumusta ang relasyon o samahan ng Team Ampalaya ngayon?

It’s way better. It’s so transparent, true, and matured. You can tell anyone what’s wrong and they will take it professionally. I like this kind of relationship that we have right now. Siyempre may 5% na maiinis ka kapag may nagbigay ng negative comment sayo, pero yung “practice” to accept it professionally, ang ganda. I try to be honest all the time and be frank in a good way of saying it para maintindihan at sila mismo mag-ayos sa sarili nila. Ganun din naman ako sa sarili ko. I try my best to walk my talk.

Ano ang mga aabangan namin sa’yo ngayon na isa ka na sa mga aktibong monologista ng Ampalaya Monologues?

Secret! Char. Bilang monologista, my focus is on my advocacies, so yun siguro yung kailangan niyo abangan sa mga magiging piyesa ko. May halaga sa tao, sa lipunan, sa bayan. Feel na feel ko pag ganiyan. Nanggigigil ako pag ganiyan, haha.

Mahilig kang makialam sa mga isyu ng lipunan, saan nanggagaling yun?

Hindi kasi ako lumaki na kaya kong makuha lahat ng hinihingi ko, pero dumating sa point na naging ganun, tapos balik ulit sa ngayon na hindi ganun kayaman pero kayang mabuhay. In short, hindi madaling mabuhay kaya naaawa at naiinis ako kapag may kumpanya o tao sa gobyerno o kung sino man ang gusto lumamang at nagpapahirap ng kapwa tao para lang umangat siya. Ang sarap-sarap kayang isipin kapag lahat ng tao nagtutulungang umangat sa buhay. Pag mayaman ka, share your blessings to the poor, pag mahirap ka, tulungan mo ung sarili mo tapos tulungan mo naman ung iba.

Ano-ano ang mga itinataguyod mo o mga bagay na ipinaglalaban mo na malapit sa puso mo, at bakit?

Equality, human rights / children’s rights kasi parang hindi na “karapatan” ngayon, parang privilege na lang kasi nga nanglalamang ung iba. Kainis!

Nakakatuwang malaman na may mga tao na katulad ni Patty Arro na ginagamit ang sining ng monologo upang mabago ang lipunan. Isa rin siyang magandang halimbawa ng isang mabuting anak, at isang patunay na kapag may tiyaga kang maghintay at magsumikap na mahasa ang iyong mga kakayanan, darating din ang tamang panahon para sa’yo.

 

Write a comment...